Wednesday, October 14, 2026

Pagkakaiba sa pulitika, hindi makaaapekto sa pamilya Cayetano ayon sa bagong PCO Secretary

Nanawagan si PCO Secretary Lino Cayetano sa mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaisa at unahin ang kapakanan ng taumbayan sa natitirang dalawang taon ng administrasyon.

Kasunod ito ng tanong tungkol sa pagkakaiba niya sa pulitika sa mga kapatid na sina Senators Alan Peter at Pia Cayetano, na iniuugnay sa kampo ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Cayetano, hindi hadlang ang pagkakaiba sa pulitika upang magpatuloy ang paglilingkod sa mga Pilipino.

Mas mahalaga aniya ang pagkakapareho ng mga pinahahalagahan at layunin kaysa sa partidong kinabibilangan.

Tumanggi namang magkomento ang kalihim kung nakausap na niya ang kanyang mga kapatid tungkol sa pagkakatalaga sa kanya bilang kalihim ng PCO.

Ikokonsulta rin ng kalihim kay Pangulong Marcos kung siya ang magsasalita sa publiko para sa pangulo at Malacañang, dahil mas nais niyang magtrabaho sa likod ng camera.

Facebook Comments