PUBLIC MARKET NG SAN JACINTO, PANSAMANTALANG ISASARA PARA SA DECLUTTERING AT SANITATION DRIVE

Ipinaabot sa publiko na pansamantalang isasara ang Public Market ng San Jacinto sa darating na June 13, 2026, simula alas-12:00 ng tanghali, upang bigyang-daan ang isasagawang declogging, disinfection, at pangkalahatang paglilinis ng pamilihan.


‎Ayon sa LGU, layunin ng operasyon na mapanatili ang kalinisan, kaligtasan, at kaayusan ng pampublikong pamilihan para sa kapakanan ng mga mamimili at tindera.


‎Kasabay nito, inanunsyo rin na muling magbubukas ang pamilihan sa Linggo, June 14, 2026, at inaasahang handa na itong muling magsilbi sa publiko.


‎Hinihiling ng pamahalaang lokal ang pang-unawa at pakikiisa ng publiko habang isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang para sa mas maayos at ligtas na operasyon ng pamilihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments