PAGKAKAISA PARA SA MAAYOS NA HALALAN SA MAYO, IPINAKITA SA LUNGSOD NG CAUAYAN

CAUAYAN CITY – Ipinakita ng iba’t-ibang sektor ang pagkakaisa para sa nalalapit na halalan sa pamamagitan ng pagsasagawa ang Unity Walk, Interfaith Rally, Candidates’ Forum, at Peace Covenant Signing sa Isabela Convention Center, Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Cauayan City Police Station, COMELEC Cauayan, Cauayan City Mayor Hon. Caesar S. Dy Jr., Vice Mayor Leoncio A. Dalin Jr., mga opisyal ng Sangguniang Panlungsod, at iba pang ahensya tulad ng Philippine Air Force, 5ID Infantry, BFP, iba’t ibang relihiyosong grupo, at mga kandidato para sa nalalapit na eleksyon.

Sinimulan ang programa sa Unity Walk mula San Fermin Gymnasium patungong Isabela Convention Center, na sinundan ng interfaith prayer mula sa mga religious leaders at ang pagkanta ng pambansang awit.


Nagbigay ng mensahe si PLTCOL Ernesto DC Nebalasca Jr., hepe ng Cauayan City Police Station, at pinasalamatan ang lahat ng dumalo. Kasunod nito ang Candidates’ Forum, Integrity Pledge, at Peace Covenant Signing bilang simbolo ng pagkakaisa at kapayapaan para sa mapayapa at maayos na eleksyon.

Layon ng aktibidad na palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga kandidato, tagasuporta, botante, komunidad, at kapulisan para sa matiwasay na halalan sa darating na Mayo 12, 2025.

Facebook Comments