Tinatayang 9-M empleyado sa bansa, posibleng maapektuhan ng pag-usbong ng AI sa employment industry; climate change, dahilan din ng pagkawala ng maraming trabaho

Maaaring umabot sa pito hanggang siyam na milyon na mga Pilipino ang maaapektuhan dahil sa patuloy na paglaganap ng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa iba’t ibang sektor ng trabaho sa bansa.

Ayon sa panayam ng DZXL News kay Federation of Free Workers Vice President Julius Cainglet, posibleng may mga trabaho ang mawala ngunit hindi naman ito nangangahulugang mawawala ang employment sa bansa.

Ayon kay Cainglet, ngayong nasa peak na ang BPO industry ng Pilipinas, may posibilidad na magbawas ito ng mga trabaho.


Kaya naman, ani Cainglet, ang BPO ay isa sa pinakaapektado ng AI dahil nasa 500,000 job losses ang maaaring matamo nito.

Pagdating naman sa isyu ng climate change, ibinihagi ni Cainglet na hindi pa ito masyadong napagtutuunan ng pansin ng gobyerno.

Aniya, malaki pa ang kailangang habulin at aksyunan ng bansa lalo na at nararamdaman na ng buong bansa ang epekto ng climate change na nakaaapekto rin sa lagay ng employment industry.

Iminungkahi naman din ni Julius Cainglet na kailangang maghanda na ang Pilipinas at magkaroon ng maraming pagsasanay ang workforce ng bansa, tulungan ang mga small at medium enterprises para sa pagpaparami ng mga trabaho sa mas mahabang panahon, at pagbibigay-pansin sa agrikultura.

Facebook Comments