
Hinatulan ng Sandiganbayan 7th Division si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at City Administrator Aldrin Cuña na makulong dahil sa kasong graft o katiwalian.
Ang naturang kaso ay kaugnay sa P32.107-M na halaga ng IT procurement para sa online occupation permitting and tracking system sa ilalim ng kanilang panunungkulan noong siya pa ang alkalde ng lungsod ng Quezon.
Base sa desisyon ng mga mahistrado ng Sandiganbayan, guilty ang hatol kay Bautista at Cuña, beyond reasonable doubt matapos na basahin ang dispositive portion. Ito’y matapos na basahin ang Dispositive Portion ng hatol sa mga dating opisyal ng Quezon City government.
Hinatulan din ng mga mahistrado na makulong ang dalawa ng hanggang 10 taon at pinatawan din ang mga ito bg perpetual disqualification na humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.
Napaiyak si dating Mayor Bautista nang marinig ang desisyon ng mga mahistrado ng Sandiganbayan.
Hindi na rin nagbigay ng anumang komento sa media si Bautista matapos ang naturang desisyon.
Kaugnay nito, maghahain naman ng motion for reconsideration ang legal counsel nina Bautista at Cuña sa 7th Division ng Sandiganbayan.