Pagkakapatay sa 5 taong gulang na bata sa umanoy terrorist attack sa Cotabato, kinondena ng PNP

204

Mariing konondena ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos ang terrorist attack sa isang bus sa Aleosan, Cotabato nitong Martes ng umaga na ikinasawi ng isang 5-taong gulang na bata.

Ang bata na kabilang sa 7 sugatan sa insidente, ay namatay habang ginagamot dahil sa shrapnel wounds sa Cotabato Regional Medical Center.

Kinilala ang nasawi na si Benjamin Solaiman na kasama ng kanyang ama at dalawang kapatid na nakasakay sa Mindanao Star Bus na may body number 1551 na pinasabugan sa bandang likuran.


Sinabi ni Gen. Carlos, tuloy ang monitoring ng PNP sa kalagayan ng mga biktima, kasabay ng pagtiyak na pinagsisikapang lutasin ng PNP ang pinanghihinalaang terrorist attack.

Tinitignan din ng PNP na posibleng motibo sa pagatake ay Extortion.

Facebook Comments