Monday, May 11, 2026

Senador, haharangin ang anumang mosyon na pipigil sa pag-convene ng Senado bilang impeachment court

Handa si Senate President pro-tempore Ping Lacson na tutulan ang anumang mosyon na layong pigilan o ipagpaliban ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court para sa inaasahang pag-akyat ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa X post ni Lacson, nilinaw ng senador na hindi niya sinasabing hindi niya tutulan o boboto laban sa anumang mosyon na magpapatigil o magpapaliban para mag-convene ang Senado bilang impeachment court.

Sa naunang pahayag ng mambabatas kamakalawa ay sinabi niyang posibleng hindi mag-convene ang Senado bilang impeachment court kung sakaling ito ang pagbotohan ng mayorya.

Sakali namang ganito ang mangyari ay maaaring manghimasok dito ang Korte Suprema para utusan ang Senado na gampanan ang constitutional duty na mag-convene “forthwith” o kaagad bilang impeachment court.

Binigyang-diin pa ni Lacson na ang pagtutol sa anumang mosyon na maglalayong pigilan o ipagpaliban ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court ay hindi dapat itratong para mag-convict o mag-acquit ng akusado.

Facebook Comments