Kabuuang 600 bata mula sa Barangay Calmay Ilocano at Barangay Carael sa Dagupan City ang pinakain ng ham, itlog at kanin mula sa City Nutrition Office.
Batay sa ulat, tig-300 bata mula sa bawat barangay ang nakinabang sa pamamahagi ng pagkaing inihanda ng tanggapan.
Katuwang ng City Nutrition Office sa pagsasagawa ng aktibidad ang mga Barangay Council, Councilor Engr. Karlos Reyna IV, at Police Station 5.
Nakatulong ang mga katuwang sa maayos na pagsasagawa ng aktibidad at pamamahagi ng pagkain sa mga bata sa dalawang barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments












