Paglagda sa loan agreement ng pamahalaan at ADB, pinangunahan ni Pangulong Duterte

54

Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda sa unang tranche ng loan agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Asian Development Bank para sa 54.6 kilometer na South Commuter Railway Project.

Ilan lamang sa mga dumalo sa ceremonial signing ay sina Finance Secretary Carlos Dominguez III, Transportation Secretary Arthur Tugade, Executive Secretary Salvador Medialdea, mga kinatawan ng ADB, at iba.

Matatandaan na una nang inanunsyo ng Asian Development Bank (ADB) ang pag-apruba sa nasa 4.3 billion US dollars na loan agreement para sa konstruksyon ng proyektong ito na magiging bahagi ng North-South Commuter Railway System at kukonekta sa Metro Manila at Laguna.


Magkakaroon ito ng 18 istasyon na dadaan sa 10 lungsod ng National Capital Region (NCR), kabilang na ang Maynila, Makati, Taguig, Parañaque, at Muntinlupa.

Inaasahan na daraan din ito sa San Pedro City, Santa Rosa City, Cabuyao City, at Calamba, Laguna.

Sa oras na maisakatuparan ang proyekto, ang travel time mula Maynila patungong Calamba ay inaasahang bababa sa isang oras, mula sa kasalukuyang dalawa at kalahating oras.



Facebook Comments