Kaso ng mga Marcos, ipauubaya na sa mga hukuman ni incoming Solicitor General Menardo Guevarra

283

Ipauubaya na ni incoming Solicitor General Menardo Guevarra sa mga korte ang mga kaso ng Pamilya Marcos.

Reaksyon ito ni Guevarra matapos siyang italaga ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang bagong Solicitor General.

Sinabi ni Guevarra na sa sandaling umupo na siya sa Office of the Solicitor General, pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang tungkulin bilang tagapagtanggol ng Republika at ng sambayanan.


Kabilang sa mga nakabinbing kaso ngayon ng Pamilya Marcos ay ang ill-gotten wealth at ang sinasabing hindi nabayarang estate taxes.

Facebook Comments