
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Task Force Kanlaon na magpatupad ng long-term plan para matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, bahagi nito ang paghahanap ng ligtas na lugar para sa itatayong evacuation sites at permanenteng relokasyon para maialis na ang mga residente sa permanent danger zone.
May mga tinitignan na rin aniya silang lugar na pwedeng pagtayuan ng mga permanenteng relocation sites.
May mga mungkahi rin ang mga lokal na pamahalaan at susuriin kung papano mari-regulate ang rebuilding ng iba’t ibang mga bayan.
Iniutos din ng Pangulo sa mga ahensya ng pamahalaan na ipagpatuloy lamang ang pagtulong sa mga apektadong bayan magkaroon ng mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng national at local governments.