PAGLANGOY SA AGNO RIVER SA MANGATAREM, IPAGBABAWAL SA UNDAS 2026

PAGLANGOY SA AGNO RIVER SA MANGATAREM, IPAGBABAWAL SA UNDAS 2026

Mahigpit na ipagbabawal ang paglangoy sa Agno River mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2, 2026, bilang bahagi ng mga hakbang para sa ligtas at maayos na paggunita ng Undas.

Ayon kay Mangatarem Mayor Jensen Viray-Ventenilla, ang pagbabawal ay nakabatay sa Executive Order No. 216, Series of 2026.

Layunin ng kautusan na maiwasan ang mga posibleng aksidente at matiyak ang kaligtasan ng publiko, lalo na sa inaasahang pagdagsa ng mga mamamayang uuwi sa kanilang mga probinsya upang dalawin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Dahil dito, pinaaalalahanan ang mga residente at bisita na pansamantalang umiwas sa paglangoy sa nasabing ilog at sumunod sa itinakdang pagbabawal.

Samantala, paalala naman sa publiko, mas mabuting mag-ingat at sumunod sa mga babala upang maiwasan ang anumang aksidente ngayong Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments