Paglilinis ng BuCor, pinatutukan ni Senator Bato dela Rosa kay BuCor Chief Catapang

Pinatututukan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., ang paglilinis sa mga ahensya mula sa mga tiwali nitong tauhan.

Ito ang hamon ng senador ngayong full-fledged na hepe ng BuCor na si Catapang matapos ang limang buwang pagiging Officer in Charge.

Payo ni Dela Rosa na dati ring naging BuCor chief, kailangan ni Catapang na mag-umpisa sa pagtukoy sa hindi matitinong tauhan dahil sa mga ito nagsisimula ang kalokohan ng mga bilangguan.


Sa tingin naman ni Dela Rosa, hindi na kasing lakas noong dati ang mga problema sa Bilibid dahil maraming drug lords na ang nasawi.

Noong 2020 na kasagsagan ng pagkalat ng COVID-19, naiulat na namatay sa COVID-19 ang siyam sa convicted drug lords sa Bilibid kabilang dito si Jaybee Sebastian na testigo noon sa illegal drug case ni dating Senator Leila de Lima.

Facebook Comments