
Hindi katanggap-tanggap para kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na pumapalag si Vice President Sara Duterte sa pag-aresto sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity.
Pinaalala ni Manuel na hindi rin maaaring iangal ni VP Sara na isinuko natin ang isang Pilipino sa kapangyarihan ng dayuhan dahil ganon aniya ang ginawa ni dating Pangulong Digong nang i-pardon kaysa panagutin si U.S. Marine Joseph Scott Pemberton sa pagpatay sa kapwa Pilipino na si Jennifer Laude.
Binatikos din ni Manuel ang katwiran ni VP Sara ukol sa fundamental rights na hindi nila ikinonsidera para sa mga naging biktima ng ‘giyera kontra droga’ at ‘giyera kontra terorismo.’
Para kay Manuel, mas mainam kung tututukan ng Bise Presidente ang paghahanda sa impeachment trial at sa posibilidad na umaksyon din ang ICC laban dito dahil kasali rin ito sa probe documents.