VP Sara Duterte, lumipad na patungong Netherlands

Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na lumipad na si VP Sara Duterte mula sa Maynila ngayong umaga, Marso 12.

Ayon sa OVP, bandang 7:40 ng umaga ay lumabas ng bansa ang Pangalawang Pangulo sakay ng Emirates Flight EK 337 patungo sa Amsterdam, Netherlands.

Bagama’t wala pang opisyal na pahayag mula sa OVP tungkol sa layunin ng paglalakbay ni VP Sara sa Netherlands pero ito ay may kinalaman sa pag-aresto ng INTERPOL sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa gagawing paglilitis ng International Criminal Court (ICC).


Maglalabas na lamang anila ang OVP ng karagdagang mga detalye tungkol sa paglalakbay ni VP Sara sa Netherlands kung kinakailangan.

Facebook Comments