
Inaantabayanan sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong hapon si Peanut Gallery Media Network (PGMN) host CJ Hirro.
Ito ay matapos magpalabas ng subpoena ang NBI laban kay Hirro.
Si Hirro ay person of interest sa sinasabing ₱350 milyon extortion ng grupo ni PGMN Founder Franco Mabanta kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Pinahaharap si Hirro sa Office of the Organized and Transnational Crimes Division ng NBI ngayong araw para magbigay ng salaysay.
Si Hirro ay hindi kasama sa mga inaresto pero kasama siya sa complaint affidavit ng longtime aide ni Romualdez.
Una nang nilinaw ni NBI Director Melvin Matibag na hindi kasama si Hirro sa mga inaresto dahil hindi naman siya kasama sa aktwal na tumanggap ng marked money.
Facebook Comments










