
Naniniwala ang Department of Finance (DOF) na malaki ang epekto ng pagpapababa ng maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na bigas at ang pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act sa pagbaba ng inflation.
Ito ay makaraang pumalo sa 2.1 percent ang antas ng pagbilis ng pagmahal ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong Pebrero.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ang downward trend ng inflation ay resulta ng proactive measures ng pamahalaan.
Kabilang na rito ang pagtatakda ng MSRP ng imported rice sa P49 kada kilo epektibo ngayong Marso, pag-amyenda sa Rice Tariffication Law, importasyon ng sida at karneng baboy at patuloy na rollout ng ASF vaccine.
Hindi rin aniya masyadong ramdam ngayon ang mga dagdag singil sa kuryente dahil sa ipinatutupad na staggered o pautay-utay na iniimplementa ng Energy Regulatory Commission.