
Tiniyak ngayon ng pamunuan ng Department of Information and Communications Technology o DICT na sa publiko na hindi maaantala ang serbisyo nito sa kabila ng pagbabago ng pamunuan.
Ayon sa DICT inaasahan ng ahensiya ang pagtatalaga ng bagong Officer-in-Charge nito matapos ang pagbibitiw ni Atty. Ivan John E. Uy bilang kalihim ng DICT.
Ipinagmalaki ng DICT na sa ilalim ng pamumuno ni Uy, naipatupad umano ang mga makabagong eGovernment solutions tulad ng eGovPH App, eTravel, eLGU, at eReport.
Ibinida rin nito ang paglawak ng ang Free Public Internet Access Program na umabot na sa mahigit 16,000 aktibong lokasyon sa Pilipinas at naitampok din ang pinakabagong National Cybersecurity Plan.
Paliwanag pa ng DICT, na sa pamumuno ni Sec. Uy, nakapagtala ang Pilipinas ng mahahalagang pag-unlad sa digital transformation ng gobyerno, cybersecurity, connectivty, at inclusivity.