Pagpapakulong sa designer, contractor, at DPWH officials na may kaugnayan sa gumuhong Cabagan-Sta Maria Bridge, iginiit ng isang Kongresista

Para kay House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party list Rep. Erwin Tulfo, dapat makulong ang designer, contractor, at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may kaugnayan sa gumuhong Cabagan-Sta Maria Bridge sa probinsya ng Isabela.

Diin ni Tulfo, maaaring may korapsyon sa konstruksyon ng tulay na pinondohan ng mahigit P1-B dahil malinaw pa sa sikat ng araw na tinipid ang pagkakagawa nito para may kumita umano ng limpak-limpak na salapi.

Punto ni Tulfo, bakit gagawa ng tulay sa probinsya na para lang sa light vehicles.

Binanatan din ni Congerssman Tulfo ang mga engineer ng DPWH na nagpalusot sa maling disenyo ng tulay sa halip na ipatigil ang paggawa nito.

Facebook Comments