Pagpapalaya kay Senator De Lima, inihirit ng isang Senador

145

Iginiit ni Senator Francis Kiko Pangilinan ang agarang pagpapalaya kay Senator Leila De Lima na nakaditine sa Philippine National Police Custodial Center simula noong February 2017.

Pahayag ito ni Pangilinan, makaraang bawiin na ni Kerwin Espinosa ang lahat ng mga paratang na nagsasangkot kay Senator De Lima sa operasyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison.

Diin ni Pangilinan, sinabi na mismo na Espinosa na aminadong drug lord, na walang katotohanan at gawa gawa lang ang mga paratang laban kay De Lima.


Para kay Pangilinan, nakapalaking sampal sa katarungan ang mahigit limang taong pagkakapiit ni Senator Leila.

Facebook Comments