
Igiit ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando na isang kasinungalingan ang economic recovery na ibinibida ng administrasyon.
Sinabi ito ni San Fernando kasunod ng report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas sa 4.9% nitong Hunyo ang unemployment rate sa bansa.
Nakadidismaya para kay San Fernando na palpak na nga sa pag-aalaga sa mga kasalukuyang manggagawa ang gobyernon ay hinahayaan pa ang ibang mawalan ng trabaho.
Kinalampag din ni San Fernando ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hinahayaan ang may mga trabaho na maging biktima ng contractualization, abusadong provincial wage rate, at mga butas at pagkukulang sa batas at mga patakaran.
Diin ni San Fernando, Kung talagang seryoso ang Palasyo sa pag-ahon ng bansa, kailangang lumipat ang gobyerno mula sa panandaliang ayuda tungo sa paglikha ng de-kalidad at permanenteng trabaho.










