Pagpaparehistro ng vloggers, iminungkahi ni Atty. Claire Castro sa pagdinig ng Kamara

Isa ang anchor ng DZXL program na “Usapang Batas” na si Atty. Claire Castro sa social media personalities na inimbitahan sa pagdinig ng House Tri Committee ukol sa paglaganap ng fake news, misinformation, disinformation at ‘malinformation’ lalo na sa social media.

Sa pagdinig ay iminungkahi ni Atty. Claire ang registrations of vloggers para malabanan ang pag-iral ng troll army at pekeng social media accounts.

Katwiran ni Atty. Castro, sa ngayon ay mahirap habulin ang mga ito lalo kung hindi alam ang identity at wala ring mukha na nakikita sa kanilang social media accounts.


Diin ni Atty. Castro, lahat ay malayang gamitin ang social media pero ang problema ay inaabuso ito ng mga peke at iresponsableng vloggers kaya nagdudulot ng pinsala o kapahamakan at nakakasama sa iba.

Facebook Comments