
Tatalon muna sa Article 2: Unexplained Wealth ng Articles of Impeachment ni Vice President Sara Duterte (VPSD) ang proseksyusyon bago ito magtungo sa Article 3: Bribery, ayon ito kay House Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro.
Nabatid na hindi ito ang orihinal na pagkakasunod ng unang sinabi na ipipresenta ng prosekyusyon para sa Impeachment Trial ni VP Duterte.
Ayon kay Defense Counsel Atty. Justin Gular, handa naman ang depensa anuman ang mauna sa nasabing natitirang articles of impeachment.
Aniya, aware naman ang depensa na nasa kamay ng prosekyusyon kung ano ang gusto nilang mauna rito.
Kaugnay naman ng inihayag kamakailan na umano’y harassment sa Bise nang masilbihan ito ng warrant of arrest para sa kasong Grave Threats na sinampa sa kanya ay sinabi ng depensa na wala itong epekto sa moral ng mga abogado nito at patuloy lang nilang irerepresenta ang kanilang kliyente sa nagpapatuloy na impeachment trial.
Opisyal na nagtapos ang ika-22 na araw ng Impeachment Trial ngayong Lunes, September 7, at nakatakdang ipagpatuloy muli ito bukas, September 8, ng alas-10 ng umaga.










