
Inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na matuturing nang cased solved ang kaso ng pagpatay kay Mima Alicia sa Caloocan City noong July 17.
Ayon kay Nartatez, anim na ang tinuturing na mga suspek sa nasabing pamamaslang kung saan tatlo rito ay nasa kustodiya na ng pulisya habang ang tatlong iba pa ay nananatiling at large.
Nabatid na naunang naaresto ang dalawang suspek na siyang tinuturong gunman at driver habang ang isa pang lumitaw ay sumuko sa pulisya noong July 24.
Kung saan ang role nito sa insidente ay bilang middleman na siyang kumokontak at nagpapadala ng pera sa dalawang naunang naarestong mga suspek.
Ayon pa kay Nartatez, tukoy na ang pagkakakilanlan ng dalawang at large habang may isa pang jane doe ang pulisya kung saan aniya may lead na rin ang PNP sa mga ito.
Naisampa naman na ang mga kasong murder, frustrated murder, at iba pang mga kasong may kinalaman sa nakumpiskang mga baril at granada.
Sa ngayon ay nananatiling personal ang motibo ng krimen may kinalaman sa pagkakautang .










