Monday, August 3, 2026

Focus crimes bumaba ng 36.12% nitong Hulyo —PNP

Ibinahagi ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang patuloy na pag-improve ng pagbaba ng focus crimes ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon kay Nartatez, bumaba ang focus crimes ng 36.12 % Hulyo ngayong taon kumpara noong kaparehong buwan noong 2025.

Aniya, mula 3,458 na naitalang insidente noong nakaraang taon bumaba ito ng 2,209 ngayong taon.

Sa mga insidente, pinakamalaki ang ibinaba ng kasong rape, na sinundan ng motor vehicle, carnapping, at motorcycle theft.

Ayon kay Nartatez, nagpapakita lang ito sa patuloy na efforts ng PNP kasama ng komunidad at iba pang mga ahensya ng pamahalaan para mapigilan ang krimen.

Facebook Comments