Pagpatay sa isang mamamahayag, kinondena ng ACT Teachers Partylist

Mariing kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party list Representative France Castro ang pagpaslang kagabi sa radio commentator na si Percival Mabasa na kilala din bilang Percy Lapid habang nasa loob ng sasakyan sa gate ng kanyang bahay sa Talon Dos, Las PiƱas.

Hiling ni Castro sa Commission on Human Rights (CHR) at Mababang Kapulungan, kaagad na imbestigahan ang pagpatay kay Mabasa na sinasabing kritiko ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon.

Nakakabahala na talaga para kay Castro ang umano’y pagpapatuloy at paglala ng extra-judicial killings at harassment sa bansa.


Dismayado si Castro, na sa ganitong pangyayari ay makikita na kadalasan ang hustisya sa ating bansa ay para lang umano sa mga mayayaman o makapangyarihan at kung ikaw ay nagsisiwalat lang ng katotohanan ay nire-red tag ka at sinisiraan.

Facebook Comments