Pagpuri ng DILG sa Marikina City sa pagpasa ng ordinansa na  linisin ang mga sagabal sa lansangan, ikinatuwa ng alkalde ng Marikina City

87

Ikinagalak ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang ginawang pagbati ng pagpuri ng Department of the Interior and Local Government sa ginawa nitong pagpasa ng ordinansa na nagbubukas sa mga motorista ng mga Subdivision.

Ayon kay Mayor Teodoro, ang pagpapatupad nila ng “No Garage, No Permit” Policy ay malaki ang tulong sa pagpapaluwag ng mga kalsada sa Marikina.


Una rito, hinimok ni DILG Secretary Eduardo Año ang ibang Local Government Units na magpatupad din ng kahalintulad na ordinansa na ipinatupad ng Marikina City Government na  sumusuporta sa utos ni pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga kalsada sa lahat ng mga sagabal sa lansangan.

Nagpapasalamat din si Teodoro sa DILG sa tiwalang ipinagkaloob nila sa Lungsod ng Marikina.

Facebook Comments