Kinilala ang nawawala na si Paul Harvey Collado, 30-anyos, na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ng mga awtoridad.
Tatlo sa kanyang mga kasamang sakay ng sasakyan ang nauna nang natagpuang wala nang buhay sa Pangasinan—isa sa Lingayen at dalawa sa Bayambang.
Dahil dito, pinalawak pa ang paghahanap sa Bayambang at iba pang posibleng lugar na maaaring inanod ang nawawalang pasahero.
Kabilang sa mga nagsasagawa ng operasyon ang mga responder mula sa LGU Bayambang, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Philippine National Police, Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, K9 units at Camiling Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Masusing sinusuyod ng mga search team ang mga lugar na posibleng dinaanan ng agos ng tubig habang patuloy na pinalalawak ang sakop ng kanilang operasyon.
Hinihikayat naman ang publiko na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad sakaling may makitang anumang bagay o impormasyon na maaaring makatulong sa paghahanap kay Collado.
Patuloy rin ang paalala sa mga residente na iwasang makialam sa aktuwal na operasyon at unahin ang kaligtasan, lalo na sa mga lugar na may malakas na agos at mataas na tubig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








