Pagre-review ng K to 10, natapos na ng DepEd

Nakumpleto na ng Department of Education (DepEd) ang pagreview sa K to 10 program at sasailalim ito sa konsultasyon hanggang Oktubre

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, makikipagpulong sila sa mga stakeholder at eksperto para sa konsultasyon

Aniya, ang pagsusuri naman para sa senior high school o Grades 11 at 12 ay magsisimula sa Nobyembre.


Paliwanag ni Poa, sinasaklaw ng pagsusuri ang mga kakayahan sa pag-aaral, partikular ang foundational at functional literacy.

Umaasa aniya sila na matatapos sa loob ng isang taon o hanggang sa Hunyo 2023 ang pagsusuri sa buong programa batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tiniyak din ni Poa na mas nakatutok ang pagsusuri sa K to 12 Program sa paghahanay ng mga kasanayang itinuturo sa mga paaralan sa pangangailangan ng industriya, kaysa sa kung itutuloy o hindi ang programa.

Facebook Comments