
Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., sa naging resulta ng pinakabagong pambansang “Boses ng Bayan” Index of Governance (IOG) survey ng RPMD Foundation, Inc., kung saan kinilala siya bilang isa sa mga may pinakamataas na marka sa hanay ng mga opisyal ng pamahalaan sa bansa.
Sa nasabing survey na isinagawa mula April 1 hanggang 8 at nilahukan ng 5,000 respondents, nakakuha si Nartatez ng 78.5 % trust rating, at 79.1 % performance rating.
Ayon sa Top Cop ng PNP, ang nasabing tala ay hindi isang personal achievement kungdi repleksyon ng sama-samang pagtutulungan ng PNP para magsilbi sa publiko ng may integridad at propesyonalismo.
Inatasan naman ni Nartatez ang mga units ng pulisya na paigtingin pa ang pakikipag-ugnayan sa mga barangay at higit pang palakasin ang mga panloob na hakbang sa disiplina para mapanatili ang tiwala ng mamamayan.










