
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na isang lehitimong police operation ang isinagawa kahapon sa kahabaan ng south bound lane ng NLEX Toll Plaza sa Bocaue Bulacan, na nagresulta sa armadong engkwentro.
Ayon sa inisyap na ulat ng pulisya, nagsagawa sila ng hot pursuit operation matapos makatanggap ng impormasyon na ang mga nasabing sangkot na indibidwal ay konektado umano sa mga insidente ng pagnanakaw sa mga minimart sa Magalang, Pampanga at Victoria, Tarlac noong June 22 at 24.
Ayon sa Regional Director ng PRO3 na si PBGen. Jess Mendez, dalawang araw na nilang minamanmanan ang nasabing grupo kung kayat naglagay sila ng mga tauhan sa mga exits ng toll plaza at nang nilapitan umano ng SWAT ang sasakyan ng mga suspek ay pinaputukan umano ang pulisya na nagresulta sa palitan ng mga putok .
Kaugnay nito, sugatan ang mga nasabing suspek na agad namang dinala sa ospital.
Ang pinangyarihan ng insidente ay secure na at ang mga imbestigador at personnel ng SOCO ay pinoproseso na ang pangagalap ng mga ebidensya.
Hinimok naman ng PNP ang publiko na magrely lamang sa mga beripikadong impormasyon at iwasan ang spekulasyon habang umuusad ang imbestigasyon sa nasabing insidente.










