Tinalakay ng Dagupan City Government at iba’t ibang ahensiya ang mga hakbang para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa sa paggamit at pagbebenta ng paputok bilang bahagi ng paghahanda para sa kaligtasan ng publiko.
Dumalo sa inter-agency meeting na ginanap sa City Hall Conference Room ang Dagupan City Police Office o DCPO, sa pangunguna ni City Director PCOL Arnold P. Solomon, kasama ang mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection, PNP EOD-K9 Group, at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Pinangunahan ni City Mayor Belen T. Fernandez ang pagpupulong upang talakayin ang koordinadong pagpapatupad ng mga alituntunin sa paputok lalo ngayong sasapit na Holiday Season sa buwan ng Disyembre.
Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan ng City Legal Office, City Secretary’s Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Health Office, Office of the Senior Citizens and Persons with Disabilities, Public Order and Safety Office, City Market Division, at Task Force Anti-Littering.
Ayon sa DCPO, patuloy itong makikiugnay sa Sangguniang Panlungsod at iba pang ahensiya upang maipatupad ang mga lokal na batas at matiyak ang kaligtasan ng mga Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










