
Tiniyak ng Philippine Airlines (PAL) na nakikipag-ugnayan na sila sa Transportation Department kaugnay ng pag-emergency landing ng PAL flight PR 102 sa Haneda Airport sa Japan.
Tiniyak naman ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na ligtas ang 355 pasahero at crew ng nasabing eroplano.
Patungo sana ng Los Angeles, California USA ang nasabing aircraft nang umusok ang isa sa air condition units nito.
Tiniyak din ni Villaluna na naging maayos ang pagbaba sa mga pasahero kung saan inalalayan sila ng mga tauhan ng Haneda Airport.
Mabilis naman aniya ang naging tugon ng Haneda Control Tower nang magradyo ang mga piloto ng PAL.
Facebook Comments