Palasyo, nagpaabot nang pakikiramay sa naulilang pamilya ni Ambassador Sta. Romana

32

Nakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pagpanaw ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, nagbibigay pugay ang pamahalaan kay Ambassador Sta. Romana sa kanyang mga nagawa upang mapagtibay pa ang relasyon ng Pilipinas at ng China.

Kanina, inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpanaw ng Ambassador.


Nabatid na si Sta. Romana ay nagsilbi bilang Manila envoy to China noong 2016.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Beijing para sa agarang repatriation ng mga labi ni Ambassador Sta. Romana.

Facebook Comments