Palasyo, nagpaabot ng pakikiramay sa mga biktima ng lumubog na MV Mercraft 2 sa Quezon

96

Nakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa mga naulilang pamilya ng nasunog na passenger vessel sa Real, Quezon kahapon.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at PCOO Sec. Martin Andanar, dalangin din ng Palasyo ang agad na pagaling ng mga sugatan.

Sinabi pa nito na sa ngayon ay all accounted for na ang lahat ng sakay nang lumubog na MV Mercraft 2.


Tiniyak pa ng kalihim na nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa pinagmulan ng sunog sa barko.

Matatandaang, kahapon ng umaga ng magpadala ng distress call ang naturang sasakyang pandagat mula Pilollo patungong Real, Quezon nang magkaroon ng sunog na sinasabing nagmula sa engine room.

Aabot sa 134 katao ang sakay na crew at pasahero ng barko nang mangyari ang insidente kung saan pito ang napaulat na nasawi.



Facebook Comments