BRIGADA ESKWELA 2026, SINIMULAN NA SA CALASIAO

Pormal nang inilunsad sa Calasiao ang unang linggo ng Brigada Eskwela 2026 kasabay ng pagpapatupad ng Adopt-a-School Project noong Mayo 21.

Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang school clean-up, minor repairs, pagpipintura ng mga bubong, at paglilinis ng mga pathway sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa mga barangay ng Buenlag, Idoldol, Nagsaing, Songkoy, San Vicente, Ambonao, Gabon, Bued, Quesban, Cabilocaan, Doyong Malabago, at Poblacion East at West.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga tauhan ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na nagsagawa ng pag-iikot sa mga paaralan sa bayan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi pa lamang ito ng unang linggo ng paghahanda sa mga silid-aralan at iba pang pasilidad para sa pagbubukas ng School Year 2026-2027. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments