Bilang suporta sa Brigada Eskwela, isinagawa ang turnover ng iba’t ibang kagamitan at suplay na makatutulong sa paglilinis at pagsasaayos ng mga paaralan. Namahagi rin ng pintura, semento, walis tambo, walis tingting, plywood, at iba pang materyales para sa paghahanda ng mga silid-aralan.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa Department of Labor and Employment (DOLE) Central Pangasinan Field Office at sa Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod para sa kanilang suporta at koordinasyon sa mga TUPAD beneficiaries na tumutulong sa preparasyon ng mga paaralan.
Binigyang-diin ang buong suporta nito sa edukasyon at sa kapakanan ng mga mag-aaral, lalo na sa kanilang ligtas at maayos na pagbabalik sa paaralan.
Dumalo rin sa programa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga opisyal ng DepEd, Dagupan City Police Office, mga lider ng barangay, mga school principal, guro, PTA officers, daycare teachers, TUPAD at 4Ps beneficiaries, at iba pang katuwang na ahensya.
Patuloy na isinusulong ng Brigada Eskwela ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa ng komunidad upang matiyak ang isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran sa pag-aaral para sa mga kabataan sa darating na taong panuruan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







