Pambato ng Cagayan de Oro City na si Vincy Vacalares sa Miss Universe Philippines 2020, nagback-out na rin

270

Matapos ang pagback-out ng pambato ng Sorsogon na si Maria Isabela Galeria sa Miss Universe Philippines 2020, tuluyan na ring umatras sa pageant ang kandidata ng Cagayan de Oro City na si Vincy Vacalares.

Ito ang inanunsiyo ni Vincy sa kaniyang social media pages kahapon.

Bago ito, nabatid na nag-positibo si Vincy sa COVID-19 nitong October 14.

Ayon kay Vincy, wala namang may gusto sa nangyari dahilan para magdesisyon siya na umatras sa laban.

Dagdag pa ng kandidata, kasalukuyan siyang naka-confine sa isang pribadong ospital sa Maynila at nasa magandang kondisyon naman ang kaniyang nararamdaman.

Sa kabila nito, humihingi si Vincy ng dasal para sa mabilis niyang paggaling mula sa COVID-19.

Samantala, mahigpit na ipatutupad ang health and safety protocols sa coronation day ng Miss Universe Philippines 2020 sa darating na October 25 sa Baguio Country Club.




Tanging ang mga kandidata, host, performers, judges at ang production staff lang ang makapapasok sa Cordillera Convention Hall.

Facebook Comments