Pambato ng Pilipinas na tubong Santiago City sa Isabela, Nasungkit ang 2nd-Runner up sa Mr. Humanity International 2022

Nasungkit ng pambato ng Pilipinas mula sa Santiago City, Isabela ang pagiging 2nd runner-up sa katatapos na Mr. Humanity International 2022 na ginanap sa Ho Chi Minh City, Vietnam <www.facebook.com/Ho-Chi-Minh-City-Vietnam-108458769184495/?__cft__%5b0%5d=AZWj0ORRYUQGzkxyGNVpUc6QjEAamQYNqFNPUnNAR41HVULyic0QwsErMv2V9H4OSbXP-6OfygKZmlZ6ZmyIElapRXrNoQbJLfrVGoMl54w4zYU7grSIHkZny82…> kagabi, Nobyembre 27, 2022.

Ibinahagi ni Vernel Jalando-on ang kanyang tagumpay sa international pageant na nagbigay karangalan sa Pilipinas lalo na sa kanyang hometown, ang Santiago City.

Hindi pa rin ito lubos na makapaniwala sa kanyang nakamit na tagumpay ngunit iniaalay niya ang lahat ng ito sa mga taong patuloy na naniwala sa kanya gaya ng kanyang pamilya,mga kaibigan at sa lahat pa ng mga naging bahagi ng kanyang pageant experience.

Bago pa man ang kanyang tagumpay na ito, naging finalist din ito ng Hari ng Pilipinas 2021 kung saan kinatawan siya ng kanilang lungsod.

Nagpasalamat rin ito sa City Government of Santiago at Provincial Government of Isabela maging sa mga nakasama nito sa kanyang unang pagsabak sa pageant career.

Bukod dito, itinanghal rin siya bilang Best in National Costume.



Nakuha naman ng bansang India ang pagiging Mr. Humanity International 2022 habang 1st runner up naman ang bansang Vietnam.

Mensahe naman nito sa mga aspiring young male na huwag mawalan ng pag-asa at kumpiyansa sa sarili dahil ito mismo ang magdadala sa kanila sa totoong tagumpay sa anumang laban.

Facebook Comments