
Kinumpirma ng pamilya ng Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) na nasawi sa Kuwait na ngayong linggo ilalabas ng NBI ang resulta ng autopsy sa labi ni Jenny Alvarado.
Sa panayam ng DZXL News kay Natalia, anak ni Jenny, sinabi nito na inaabangan na rin nila ang paglabas ng resulta ng autopsy bagama’t wala pa aniyang depinidong petsa na sinabi ang NBI.
Nanindigan si Natalia na may foul play sa pagkamatay ng kanyang ina.
Bukod aniya kasi sa mga pasa sa katawan at malambot ang leeg ni Jenny.
May hinala aniya sila na pinipilit ang leeg ng OFW.
Facebook Comments