
Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 10 taon na naging benepisyaryo ng mga programa ng DSWD ang pamilya ng nag-viral na si Sampaguita girl.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DSWD Director Gemma Gabuya, National Program Manager ng 4Ps, sa loob ng 10 taon ay sakop ng dating benepisyaryo ng “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” (4Ps) ang pamilya ni Sampaguita girl.
Tatlo ang kapatid ni Sampaguita girl na kasama sa mino-monitor noon ng 4Ps.
Noong nakalipas lang na taon nag-exit o nag-graduate sa 4Ps ang pamilya ni Sampaguita girl.
Matapos na mag-graduate ay napasama naman sa Sustainable Livelihood Program o SLP ang pamilya ni Sampaguita girl.
Maituturing din umano na “homeless” o walang bahay si ‘Sampaguita girl.’
Dalawang beses na umanong nakinabang sa SLP ang pamilya ni ‘Sampaguita girl.’