MGA MEAT VENDOR SA CALASIAO, TINIYAK NA SUMUSUNOD SA MGA PAMANTAYAN SA PAGTITINDA NG PRODUKTONG KARNE

Tiniyak ng Calasiao Meat Vendors Asssociation na sumusunod sila sa mga proseso at pamantayan pagdating sa pagtitinda ng mga produktong karne tulad ng baboy, manok at kambing.

Ayon kay Vivian Alvarez, President ng nasabing asosasyon, ngayong mainit ang panahon, kinakailangan nilang mas maging maingat sa kanilan mga tindang karne upang hindi ito agad masira.

Dagdag niya, dumadaan sa nararapat na proseso ang kanilang mga paninda at binibigyang katibayan ng kinauukulan ukol sa kalinisan ng kanilang mga bentang produkto.

Samantala, mahigpit ang pagbabantay ng LGU Calasiao at Municipal Veterinary Office ukol sa usapin ng produktong karneng pumapasok at paraan ng pangangatay nito.

Mariin nilang hinihikayat na gamitin kanilang Municipa Slaughterhouse para sa naaangkop na pangangatay ng karne ng baboy at kambing. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments