
Hinikayat ni Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na samahan sa The Hague at tulungan ang kanyang commander-in-chief noon na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Reaksyon ito ni Garin sa plano ni Dela Rosa na hilingin kay Senate President Francis Chiz Escudero na kupkupin at protektahan sya ng Senado sa oras na maglabas din ng warrant of arrest laban sa kanya ang International Criminal Court.
Inihalimbawa ni Garin ang ginawa nila noon bilang mga dating miyembro ng gabinete na sinamahan at tinulungan si dating Pangulong Noynoy Aquino na ilabas ang katotohanan laban sa mga pekeng kaso at akusasyon sa halip na isalba ang kanilang mga sarili.
Naniniwala si Garin na malaki ang maitutulong ni Senator Bato sa depensa ni dating Pangulong Duterte dahil ito ay nasa gobyerno at hepe ng Philippine National Police (PNP) na nanguna sa pagpapatupad ng war on drugs.