Thursday, August 20, 2026

Mga kaso ng leptospirosis sa Quezon City, sumipa na sa 197

Pumalo na sa 197 ang kaso ng leptospirosis sa Quezon City sa pinakabagong update ng QC Leptospirosis Surveillance mula January 1 hanggang August 18.

24 indibidwal mula rito ang nasawi dahil sa nasabing sakit.

Mas mababa umano ito ng 61.82% kumpara sa mga kaso ng leptospirosis sa kaparehong panahon noong 2025 na may 516 cases at 24 leptospirosis-related deaths.

Bagama’t mas mababa ang datos ng leptospirosis ngayong taon, nagpaalala pa rin ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) na huwag lumusong sa baha at gawin ang mga nararapat na pag-iingat para maka-iwas sa sakit.

Isa na rito ang pagpapakonsulta at pag-inom ng Doxycycline para sa mga na-expose o lumusong sa baha nitong mga nagdaang araw bunsod ng malalakas na pag-ulan.

Libre ang check-up at doxycycline sa mga health centers sa lungsod mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 hanggang alas-5 ng gabi.

Facebook Comments