PANGASINAN ARTISTS, NAGPAMALAS NG HUSAY AT GALING SA ART FAIR PHILIPPINES 2023

Nagpamalas ng galing ang mga mahuhusay na Pangasinan artist na kinabibilangan ng Explore PD4 at ANAKBANWA Arts Residency Program sa ginanap na Art Fair Philippines 2023 noong February 17-19 sa The Link, Ayala Center, Makati.
Mahigit animnapung artist at exhibitors ang dumalo sa isang premyadong plataporma para sa exhibit at pagbebenta ng mga modern at contemporary Philippine visual art.
Samantala, layunin ng programa na ipakita ang makulay na local art scenes at suportahan ang Filipino art practitioners sa kanilang ambag sa larangan ng sining. |ifmnews

Facebook Comments