PAGREREGISTER AT PAG-APPLY NG LISENSYA SA MGA FIREARMS,ISINAGAWA SA BAYAN NG MANAOAG

Para mailapit sa mga kababayan ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang kanilang serbisyo, nagsagawa ang LGU Manaoag katuwang ang PNP Manaoag ng isang 2-day Caravan kung saan maaaring iparehistro at mag-apply ng lisensya para sa mga taga-Manaoag na nagmamay-ari ng baril.
Ang programang ito ay naglalayon na mailapit ang serbisyo ng PNP Regional Security Group nang sa gayon ay mabigyan ng malapitang serbisyo ang mga kababayan nilang makapag-renew at mag-apply ng license to own and possess firearms at makapagrehistro ng kanilang mga baril.
Ang pagsasagawa rin ng caravan na ito ay magiging tugon din sa mga mga baril na napaso na ang rehistro.

Isinagawa ang unang araw ng License To Own and Possess Firearms (LTOPF) and Firearms Registration sa Manaoag Sports Complex at Youth Tourism Building. |ifmnews
Facebook Comments