Saturday, October 31, 2026

REGION 1 COOPERATIVE STAKEHOLDERS SUMMIT 2026, ISINAGAWA SA ROSALES; MGA NATATANGING KOOPERATIBA MULA REHIYON 1, BINIGYANG PARANGAL

Bilang pagdiriwang ng Cooperative Development Authority o CDA Region 1 para sa 2026 Regional Cooperative Month Celebration, isinagawa Rosales, Pangasinan ang Region 1 Cooperative Stakeholders Summit 2026 noong October 30, 2026

Dinaluhan ng iba’t ibang kooperatiba mula sa rehiyon 1, mga ahensya ng pamahalaan, Local Cooeprative Development Officers o LCDOs, at iba pang stakeholders ang nasabing aktibidad sa ilalim ng temang, “Matibay na Kooperatiba: Nagkakaisang Pamayanan para sa Kapayapaan at Kaunlaran”.

Layunin ng pagdiriwang na bigyang-pansin at halaga ang mga natatanging mga gawa at kasanayan ng iba’t ibang kooperatiba.

Ayon kay Atty. Frederick Joe Robles, Regional Director ng CDO 1, isa lamang ang aktibidad sa mga pagtitipon para sa Oktubre na naglalayong tipunin ang mga stakeholders ng mga stakeholders ng mga kooperatiba.

Bukod dito, binigyang parangal din ang mga natatanging kooperatiba at mga indibidwal sa loob nito.

Isa ang kooperatiba na pinangungunagan ni Ricardo Caduang sa mga nabigyan ng parangal sa pagdiriwang.
Ani Ricardo, nagpapasalamat sila sa tulong ng ahensya at hinihingi at patuloy na suporta mula rito.

Samantala, patuloy naman ang mga programa na isasagawa ng CDO para sa mga miyembro nitong kooperatiba lalo na sa patuloy na suporta at seguridad sa mga salik na maaring makaapekto sa mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments