LARANGAN NG SKATEBOARDING SA PANGASINAN, PINAGTITIBAY ‎ ‎

Pinagtitibay pa ang kumunidad sa larangan ng skateboarding sa lalawigan ng Pangasinan bilang isa sa maaaring maging hobby at sports ng mga kabataan.

‎Sa isinagawang Go Skate Day kahapon sa Dagupan Tondaligan Skate Park, inihayag ni Jep Caliboso, President ng Pangasinan Skateboarding Community ang importansya ng nasabing larangan at kung paano nahuhubog din ang kakayahan at pagkamalikhain ng mga nasasali rito.


‎Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga kalahok mula sa iba’t-ibang lugar—karamihan mga kabataang nawiwili at nagnanais na maging magaling sa skateboarding.

‎Isa rin ito sa nakikitang magandang gawain upang maiwas ang mga kabataan sa kaguluhan at iba’t-ibang uri ng bisyo.

‎Lubos naman ang pasasalamat ng skateboarding community sa suporta ng pamahalaang lokal at ng kumunidad upang maipakita ang husay at kakayahan ng mga kabilang sa nasabing larangan at umusbong pa para sa mas matibay na pagkakakilanlan ng skateboarding hindi lamang sa lalawigan kung hindi sa buong bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments