Sinimulan ng National Police Commission Regional Office 1 (NAPOLCOM RO1) ang taunang assessment at inspection sa Police Regional Office 1 (PRO1) para suriin ang operational readiness, administrative efficiency, at pagsunod ng mga police unit sa mga umiiral na patakaran.
Inilunsad ang inspection sa pamamagitan ng entrance briefing sa PRO1 Conference Room noong Setyembre 22, at itinakdang isagawa hanggang Setyembre 30.
Kabilang sa isinasagawang pagsusuri ang physical accounting ng mga personnel ng PRO1, gayundin ang masusing pagrepaso sa mga administrative at logistical records ng mga police unit.
Sinusuri rin ng NAPOLCOM ang kahandaan sa operasyon at administrative systems ng regional police office bilang bahagi ng regular nitong regulatory oversight sa Philippine National Police.
Sa pamamagitan ng taunang assessment, sinusukat ang aktuwal na personnel strength, record-keeping, logistical management, at pagsunod sa mga kinakailangang pamantayan ng PRO1 at mga sakop nitong unit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






