Bukas na ang audition para sa mga nais maging susunod na Binibining Urdaneta 2026, habang sinisimulan na ng Urdaneta City ang paghahanda para sa panibagong edisyon ng beauty pageant.
Gaganapin ang audition sa Setyembre 27, mula alas-1 hanggang alas-5 ng hapon, sa AVR ng Old City Hall sa Urdaneta City, ayon sa Urdaneta Tourism Office.
Tumatanggap ang pageant ng mga residente ng Urdaneta City na edad 16 hanggang 25 bago ang petsang December 1, 2026. Wala rin umanong minimum height requirement para sa mga aplikante.
Ayon sa inilabas na qualification, may mga kinakailangang dokumento tulad ng birth certificate, proof of residency o voter’s certification, valid government o school ID, close-up at full-body photos, at endorsement letter mula sa barangay.
Giit ng lungsod, hindi maaaring sumali ang mga dating nagwagi sa national o local beauty pageants. Kailangan ding tumugma ang barangay na nakasaad sa voter’s certificate sa barangay na nais irepresenta ng kandidata.
Taun-taon nang tampok sa mga aktibidad ng lungsod ang Binibining Urdaneta. Ginanap ang coronation ng Binibining Urdaneta 2024 noong Disyembre 2, 2024, habang isinagawa naman ang 2025 coronation noong Disyembre 3, 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











